TV

Pilot episode ng 'My Love From The Star,' number one sa Twitter nationwide, second spot worldwide

By GIA ALLANA SORIANO

 

Pinalabas ang pilot episode ng Philippine version ng My Love From The Star ngayong May 29. Maraming netizens ang nag-react sa remake ng Korean drama na minahal sa Korea at pati na rin sa Pilipinas. 

Karamihan ay nagalingan sa pag-portray ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa karakter ni Steffi, isang artista na ubod ng taas ang confidence, diva kung diva, pero apektado rin sa negative comments online. Tulad na lang ng pagtawag sa kanyang "na-botox ang utak."

 

 

 

Dahil dito, may mga naki-sympatiya sa eksena na ito dahil sa cyberbullying na natanggap ni Steffi sa mga netizens dahil sa maliit na pagkakamali niya.

 

Marami rin ang na-excite sa TV debut ni Gil Cuerva na gumaganap bilang ang "hot na alien" na si Matteo Domingo.

 

 

 

 

Positive naman ang naging feedback ng mga Kapuso sa My Love From The Star. Ang iba naman ang pinalakpakan ang Philippine remake dahil hindi ito nalayo sa Korean version.

 

 

 

 

 

Nag-trending pa nga ang hashtag ng show, first spot nationwide at second spot worldwide, habang pinapalabas ito.

 

Abangan ang more episode ng My Love From The Star pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.