TV

WATCH: Rhian Ramos at Jennylyn Mercado, nagtatarayan?

By GIA ALLANA SORIANO

Handang-handa na si Rhian Ramos sa kanyang role sa My Love From The Star bilang si Rachel Andrada, ang karibal ni Steffi Chavez na ginagampanan naman ni Ultimate Star Jennylyn Mercado sa show.

 

Ani Rhian, masaya siya sa role niya dito dahil sa mga pinaggagawa niya at ni Jen on-cam. Paliwanag niya sa interview with Aubrey Carampel para sa 24 Oras: "Na-e-enjoy ko to dress-up, it's very glamorous. 'Yung mga eksena ko dito laging fun, kasi parang laging may tarayan."

 

Dahil nga magkaaway si Jen at Rhian dito, tarayan kung tarayan, taas kilay kung taas kilay, at todong patalbugan ang ginagawa ng dalawang aktres sa mga eksena nila. 

Ika ni Rhian, "Doon sa mga fans ng Korean version na ito, I'm sure alam na nila kung ano'ng mangyayari sa eksena na ito. Sa suot naming damit pa lang and sa shoes namin. Pag nagkikita kami ni Steffi parehas kaming bihis na bihis and laging may laban."

Inamin din naman ni Jen na very fun for her ang mga eksena niya with Rhian. Kahit daw magkaaway sila on-screen, off-screen naman ay tuwang-tuwa sila sa "kalokahan" na ginagawa nila.

Abangan ang pagdating ni Rhian Ramos sa My Love From The Star sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.

Video from GMA News