TV

Mauungkat ang nakaraan nina Steffi at Matteo sa 'My Love From The Star'

By MARAH RUIZ

Ngayong Huwebes sa My Love From The Star, susubukang alalahanin ni Steffi (Jennylyn Mercado) ang misteryosong tao na nagligtas sa kanya noon.  

Babalikan ni Lucy (Jackie Rice) ang picture na kinunan niya noon at magugulat siyang kamukhang kamukha ni Matteo (Gil Cuerva) ang lalaki!

Samantala, bibisita sina Steffi at Matteo sa isang museum at magiging emosyonal dahil sa isang naka-display na payneta. 

Abangan ang My Love From The Star, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena sa GMA Telebabad.