What's on TV

Philmar Alipayo, sumulat kay Jaclyn Jose tungkol kay Andi Eigenmann

By Kristine Kang
Published June 11, 2024 5:20 PM PHT
Updated June 11, 2024 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Philmar Alipayo and Andi Eigenmann


Ano ang laman ng sulat ni Philmar Alipayo sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose?

Kilala bilang isa sa mga may matamis at matibay na relasyon ang sikat na couple na sina Andi Eigenmann at ang kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo.

Sa kanilang panayam sa My Mother, My Story, napag-alaman kung gaano kamahal ni Philmar ang kanyang fiance nang ikuwento nito ang ginawa niya para hingin ang kamay ni Andi sa ina nito na si Jaclyn Jose.

Ikinuwento ng magkasintahan na sumulat ng liham si Philmar kay Jaclyn para hingin ang blessing at approval nito na pakasalan si Andi.

"Sinabi ko na, 'Syempre sobrang mahal na mahal ko si Andi. Alam kong mahal na mahal mo rin...na promise na aalagaan ko siya,'" ani Philmar.

Sinabi din ng surfer sa kanyang sulat kung gaano niya kamahal ang anak ni Andi na si Ellie na para na niya itong sarling anak.

"Si Ellie na rin po. Kung gaano ko siya (Andi) kamahal, ganoon din ang pagmamahal ko kay Ellie, " dagdag ni Philmar.

Sa isa pa nilang panayam, sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw naman ni Philmar na okay lang ang kaniyang relasyon kay Jaclyn bilang mag-biyenan.

Natatandaan pa niya na palagi siyang inaayang kumain at minsan tinuturuan pa siya kung anong sawsawan o ano pang putahe ang babagay sa kanilang kinakain.

Aniya, "Kapag nagpapakain iyon, papakain talaga, kung ano gusto mong pagkain."

Masayang ikinuwento rin ni Andi, "Kahit ano'ng feel niya (Jaclyn), 'yung parang... kasi si nanay is impulsive, kung ano feel niya kahit ano pa 'yan, tinatanggap lang ni Philmar."

Dapat ay ngayong 2024 ang kanilang kasal at pagbisita ni Jaclyn sa kanilang tahanan sa Siargao. Nais din nila sanang ipakilala ang mga magulang ni Philmar sa award- winning actress.

Ngunit dahil sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn, malungkot na hindi muna itutuloy ni Andi ang kanilang kasal ngayong taon.

Ang kanilang wedding ceremony ay dapat isa sa mga tutuparin nilang hiling ni Jaclyn. Dahil alam daw ni Andi kung gaano nais ng kaniyang ina na makita siyang ikasal sa isang official wedding ceremony.

RELATED CONTENT: 'My Mother, My Story': Andi Eigenmann, grateful sa yumaong inang si
Jaclyn Jose