'My Mother, My Story': Jillian Ward, dedicated ang pagiging artista para sa kaniyang ina at lola

Isa na namang heartfelt story ang napakinggan ng mga manonood sa limited talk series na My Mother, My Story nitong Linggo, July 21.
Tampok sa third episode ng TV special ang Star of the New Gen na si Jillian Ward. Sa kaniyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, ikinuwento ni Jillian ang kaniyang untold story tungkol sa kaniyang ina na si Jennifer Ward at mga pagsubok bilang isang child star.
Mula sa pagbubuntis ng kaniyang nanay sa kaniya hanggang sa mga pangarap na nais niyang makamit, ibinuhos ni Jillian ang lahat ng kaniyang emosyon at istorya sa kanilang kwentuhan.
Sa huling parte ng programa, sinagot din ng Sparkle star ang tanong ng TV special na, " Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Balikan ang mga highlight ng panayam ni Jillian Ward sa gallery na ito:












