
Madamdamin ang naging second episode ng limited talk series na My Mother, My Story, noong Linggo, June 9.
Napakinggan ng viewers ang heartfelt story ng aktres at content creator na si Andi Eigenmann tungkol sa kanyang pumanaw na ina, ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.
Mula sa kanilang masasayang memories hanggang sa real-life lessons na natununan sa buhay, naging puno ng emosyon ang panayam ni Andi kasama si Boy Abunda.
Ibinahagi rin ni Andi ang kaniyang mga realizations tungkol sa pagmamahal at sakripisyo ng kaniyang ina para sa kanilang pamilya. Sa huling parte ng programa, sinagot din ng aktres ang ang tanong ng TV special na, " Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Alamin ang mga highlight ng panayam ni Andi Eigenmann sa gallery na ito:









