TV

Meryll Soriano, maganda ang relasyon kina Bernard Palanca at Jerika Ejercito

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Isang "modern family" umano ang kanilang pamilya, ayon kay Meryll Soriano. Ito ang pahayag ng My Mother's Secret star nang muli na naman siyang makatanggap ng mga tanong tungkol sa very friendly niyang relasyon sa dating asawang si Bernard Palanca.

"Bakit intriga yun? Hindi ba kayo nasasayahan na ganun kami?" natatawang tanong ni Meryll sa media. "We owe it to our sons na okay kami kasi at the end of the day isang buong pamilya kami," dagdag nito.

READ: Meryll Soriano marks return to GMA with 'My Mother's Secret'

Sa katunayan, nag-attend pa nga si Meryll at ang kanyang anak na si Elijah sa first birthday party ni Isaiah Joseph—ang unang anak ni Bernard at Jerika Ejercito.

"BJ (Bernard) is the father of my son. He's the father of Ika's (Jerika) son. So magkapatid sila. Hindi na uso yung mga nagaaway away. Hindi ako naniniwala dun," ayon dito.

Iniwan na din daw ni Meryll ang mga problema nila ni Bernard sa nakaraan.

"'Yung problama namin ni BJ noon, tapos na 'yun. At the same time, hindi sila konektado doon. I love BJ's family very much. They're very dear to me. Unfair naman na dahil lang sa problema namin ni BJ kasali sila," ayon kay Meryll.

WATCH: Meryll Soriano as Stella in 'My Mother's Secret'

Pareho din daw nilang layunin ni Jerika na maging close ang kanilang mga anak.

"We always text each other. Natutuwa ako kasi lagi nilang hinihiram si Eli. Gusto talaga nila nagse-spend ng time 'yung dalawang bata para lumaki sila na close talaga. It's a common goal for both of us," sabi nito.

Isang opurtunistang ina naman ang role ni Meryll sa My Mother's Secret. Panoorin siya Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras.