TV

Lotlot de Leon, malaki ang simpatya sa karakter niya sa 'My Mother's Secret'

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ang beteranong aktres na si Lotlot de Leon ang gumaganap na isa sa mga inang may itinatagong sikreto sa My Mother's Secret. Siya si Cora na nag-ampon kay Neri (Kim Rodriguez) at ngayon ay lumalaban para mapanatili sa piling niya ang kanyang anak. 
 
Sa tingin niya, akma talaga ang pagganap na ito para sa kanya dahil nabibigyan niya ito ng sapat na simpatya. 
 
WATCH: Lotlot de Leon as Cora in 'My Mother's Secret'
 
"Karamihan ng role ko, ako nag-aampon ng bata. The irony lang, kasi ako din ampon," pahayag ni Lotlot. 
 
"Maybe that's why I play it best kasi I know where it's coming from. I understand the character, I understand the situation," pagpapatuloy nito. 
 
Nagagamit daw niya ang karakter para maipahayag ang mga bagay na karaniwang hindi niya kayang sabihin. 
 
"'Yung mga hindi natin nasasabi nang sa totong buhay, or ako in particular, dito nasasabi ko. Parang nagiging outlet siya for me sa mga gusto kong masabi, sabihin or gawin," ayon sa aktres. 
 
Panoorin si Lotlot sa pagganap niya bilang si Cora sa My Mother's Secret, Lunes hanggang Biyernes bago ang 24 Oras