TV

'My Mother's Secret,' extended ng isang linggo!

By MARAH RUIZ



Good news, My Mother's Secret fans!

Mas matagal ninyo pang makakapiling si Neri (Kim Rodriguez) at ang kanyang pamilya dahil extended ang My Mother's Secret ng isang linggo. Matutunghayan ninyo pa ang paborito ninyong afternoon drama hanggang August 7.

WATCH: My Mother's Secret: Ang pagbabalik ni Edwin

Alamin kung anong gulo ang dala ni Edwin (Ervic Vijandre) sa buhay nina Anton (Christian Bautista), Vivian (Gwen Zamora), Neri, Cora (Lotlot de Leon), Stella (Meryll Soriano), Karen (Joanna Marie Tan) at Heidi (Tricia Cabais). Tunghayan din kung magiging matamis ba or mauuwi sa pait ang magiging katapusan ng pag-iibigan nina Neri at Craig (Kiko Estrada).

Para naman sa mga nag-aabang ng nalalapit ng pagsisimula ng hit coming of age Koreanovela na Reply 1997, huwag bibitaw dahil magsisimula ito ng August 10.

LOOK: Ang cool barkada ng Reply 1997

Antabayanan ang pagbubunyag ng iba't ibang lihim sa finale week ng My Mother's Secret, Lunes hanggang Biyernes, bago ang 24 Oras.