TV

WATCH: Kapuso child star John Kenneth Giducos, nagpakitang gilas sa pagbirit sa #MySpecialTatayMediaCon

By Felix Ilaya

Ipinamalas ng Kapuso child star na si John Kenneth "JK" Giducos ang kaniyang husay sa pag-awit nang pinag-sample siya sa media conference ng My Special Tatay.

Pinaunlakan ni JK ang request ng press at inawit niya ang kantang "May Bukas Pa."

Nang humiling pa ng encore ang press ay kinanta naman ni JK ang "Listen."

Alam n'yo ba na si JK ang kumanta ng theme song ng Super Ma'am na "Siya Ay Si Super Ma'am?"

Maliban sa pagkanta ay ipapakita rin ni JK ang kaniyang galing sa pag-arte dahil mapapanood siya bilang Dekdek sa My Special Tatay, ngayong September 3 na.