TV

READ: Rita Daniela cries when she bagged Aubrey role in 'My Special Tatay'

By Nherz Almo

Inamin ni Rita Daniela na umiyak siya nang malamang siya ang napiling gaganap bilang Aubrey sa hit afternoon series ng GMA na My Special Tatay.

Rita Daniela

“Actually, nung time na I got the text, noong ako ang napili for Aubrey, I really cried,” sabi ng 23-year-old Kapuso actress nang makapanayam siya ng GMAnetwork.com sa inihandang press conference para sa Going Home to Christmas concert ni Jose Mari Chan kamakailan.

Dagdag pa niya, “I've been with GMA for 13 years, saka lang po ako naging bida.

“Kasi, 'yun po siya, bida-kontrabida si Aubrey, and malaking parte po talaga siya sa show.

“In fact, siya talaga yung nagpapatakbo sa istorya, so kailangan siya doon at importante siya doon. Importante rin 'yung character niya.”

Pero bago ito, nabanggit ni Rita na noong una ay tinanggihan niya ito dahil sa posibleng maging epekto ng kaniyang gagampanang karakter sa kaniyang career bilang aktres.

Aniya, “At first, yes, I declined the offer. The first time it was offered to me, I said no.

“Kasi, siyempre po, I'm just 23 and I'm also a singer.

“Being an actress, siyempre, baka mamaya ma-typecast ako dun o ma-box ako dun, baka mahirapan akong kumuha ng roles.

“Hindi lang naman siya poks, nanay na rin siya, siyempre, 23 lang ako.

“Pero yun nga, they explained to me 'yung importance niya dun sa show, so I did audition for that still.

“I don't know, it's just God has been so gracious, 'yun, I got it and I'm finally here.”

Lubos ang pasasalamat ni Rita sa mga patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa kaniya at sa programa nilang My Special Tatay.

Tinanong ng GMAnetwork.com kung bakit sa palagay niya ay patok si Aubrey sa mga manonood.

Sagot ng Kapuso singer-actress, “I think why people like her or love her is because Aubrey is real.

“She exists in real life. Maraming Aubrey sa mundo, hindi lang natin napapansin.”