TV

EXCLUSIVE: Arra San Agustin, tinawag na inspirasyon si Rita Daniela

By Felix Ilaya

"She's very inspirational," 'yan ang sabi ni Arra San Agustin nang tanungin siya ng GMANetwork.com tungkol sa kaniyang My Special Tatay cast mate na si Rita Daniela.

Rita Daniela

Kahit madalas mang nagbabangayan ang mga karakter nila na sina Carol at Aubrey sa My Special Tatay, masayang-masaya raw si Arra na naging katrabaho si Rita dahil naging magandang impluwensiya raw ito para sa kaniya.

Ani Arra, "Christian kasi siya and nadadala niya kami, especially ako, nag-chu-church na rin ako sa church niya. Malaking bagay iyon. Good influence iyon for me na may katrabaho ako na ganoong tao, ganoon 'yung perspective sa buhay, may values, and siyempre firm sila sa principles nila. So 'yun 'yung masasabi ko kay Rita off-set."