
May bagong kinabuwi-buwisitan ang mga tagasubaybay ng My Special Tatay at siya ay ang ina ni Aubrey na si Nanay Myrna.
TRIVIA: Joel ng 'My Special Tatay,' kapatid ng isang top Kapuso actress!
Alam n'yo ba na ang gumaganap na aktres kay Nanay Myrna ay walang iba kung hindi ang award-winning indie actress na si Angeli Bayani?
Napanood si Angeli sa mga pelikula gaya ng 'Ilo Ilo,' 'Norte, Hangganan ng Kasaysayan,' at 'Ned's Project.' Napanalunan din niya ang Gawad Urian Best Actress Award noong taong 2014 at naka-tie ang kaniyang My Special Tatay co-star na si Candy Pangilinan noong taong 2016 sa Cinefilipino Film Festival para sa Best Actress.
Anong klaseng sakit ng ulo kaya ang dala ni Nanay Myrna sa buhay mag-asawa nina Boyet at Aubrey? Abangan sa My Special Tatay!