TV

READ: Rita Daniela reacts to Boyet and Aubrey's dramatic reunion in 'My Special Tatay'

By Al Kendrick Noguera

Matagal na hinintay ng mga manonood ang muling pagkikita nina Boyet (Ken Chan) at Aubrey (Rita Daniela) sa My Special Tatay. Ilang episodes ding napanood si Boyet na walang tigil sa paghahanap sa kanyang asawa.

My Special Tatay: Boyet at Aubrey, nagkita na!

Ngunit kahit ano mang mga balakid ang dumating, nanatiling naging matatag si Boyet at ipinaglaban ni Aubrey ang pagmamahal niya sa asawa.

Sa Instagram post ni Rita, isang highlight video ang kanyang ibinahagi kalakip ng kanyang opinyon sa kakaibang love story ng BoBrey.

Basahin ang post ni Rita.

"Update: Bumigay na si Aubrey, mga bakluhhh! Personally, I appreciate their relationship. They're two imperfect people -- isang pokpok at isang autistic -- they both have complicated lives yet they still found ways to go back to each other and fight for their love. Pinatunayan din ni Boyet na hindi lahat ng bumabalik, tamang balikan. Na hindi nakakasira ng relasyon ang best friend. He proved that no one and nothing can be a hindrance to continue a story by correcting the wrong, and be the best version of yourself.. if you do love a person. What a love story."