TV

WATCH: Martin del Rosario, napaaray sa sampal ni Rita Daniela

By Aaron Brennt Eusebio

Napa-aray na lang si Martin del Rosario nang sampalin siya ni Rita Daniela sa isang scene ng My Special Tatay.

Martin del Rosario

Sa kanyang post sa Instagram, nilagyan ni Martin ang kanilang scene ng “Aray” na kinanta ni Mae Rivera.

"Aray ko po Aubrey! Haha @missritadaniela," sulat ni Martin.


Agad namang nag-comment si Rita at humingin ng sorry kay Martin.

#TRIVIA: Rita Daniela, unang ka-love team raw si Martin del Rosario

Samantala, bilib ang ilang netizens sa galing ng dalawa sa pag-arte at sa pagiging professional nila sa kanilang trabaho.

Patuloy na abangan ang My Special Tatay, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Inagaw na Bituin.