TV

WATCH: Teresa Loyzaga gets emotional over last taping day of 'My Special Tatay'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi napigilan ng beteranang aktres na si Teresa Loyzaga na maging emosyonal sa huling taping day niya sa My Special Tatay.

Teresa Loyzaga

Ginagampanan ni Teresa ang role ni Olivia, ang kontrabida sa buhay ni Boyet na ginagampanan naman ni Ken Chan.

Isang video tribute ang inihandog kay Teresa, kung saan makikita ang nakakaiyak niyang pagpapaalam sa kanyang mga katrabaho.

"Thank you very much again everyone, hanggang sa susunod na project," saad ni Teresa.

"Olivia, signing off."

Panooring ang nakakaiyak na huling araw ni Teresa sa taping ng My Special Tatay.

Patuloy na panoorin ang lalong gumagandang kuwento ng My Special Tatay, weekdays bago ang Wowowin.