TV

WATCH: Arra San Agustin at iba pang cast ng 'My Special Tatay,' binalikan ang kanilang memorable scenes

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi napigilan nina Arra San Agustin at Bruno Gabriel na balikan ang kanilang unforgettable scenes dahil matatapos na ang kanilang high-rating show na 'My Special Tatay.'

Ken Chan at Arra San Agustin

Kuwento ni Arra, hindi niya makakalimutan kung paano na-heart broken ang karakter niyang si Carol.

"Kay Boyet, 'yung na-heart broken si Carol. Nagkakaroon siya ng feelings kay Boyet pero hindi niya masabi hanggang sa hindi na niya nakayanan, hindi na niya na-contain tapos inamin na niya kay Boyet tapos sobrang heart broken niya," ani Arra.

Para naman kay Bruno, paborito niya ang mga nakakatawang scene pero nagagandahan siya sa mga eksena kung saan inaaway niya ang kaniyang nanay na ginagampanan ni Teresa Loyzaga.

WATCH: Teresa Loyzaga gets emotional over last taping day of 'My Special Tatay'

Ibinahagi rin nina Lilet at Candy Pangilinan ang kanilang hindi malilimutang eksena sa video na ito:

Patuloy na abangan ang huling linggo ng My Special Tatay, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Inagaw na Bituin.