advertisement
TV

IN PHOTOS: Inside 'Nagbabagang Luha's' lock-in taping

1 of 20

Glaiza De Castro

Matapos ang 'Contessa,' muling ipapamalas ni Glaiza De Castro ang kanyang galing sa drama. Sa 'Nagbabagang Luha', gaganap siya bilang Maita, isang masipag na anak at mapagmahal na ate.

2 of 20

Rayver Cruz

Break muna sa paghataw ni Rayver Cruz sa dance floor para bigyang-buhay ang papel ni Alex, ang tagapagmana at mapagmahal na anak ni Mrs. Calida Montaire.

3 of 20

Mike Tan

Gagampanan naman ni Mike Tan ang karakter ni Bien--kaibigan at katrabaho ni Maita--na orihinal na binigyang-buhay ni Richard Gomez.

advertisement
4 of 20

Gina Alajar

May bago na namang karakter si Gina Alajar na kaiinisan ng mga manonood. Siya si Calida Montaire, ang may-ari ng Montaire Resort at ina ni Alex.

5 of 20

Claire Castro

Ang maamong mukha ang bentahe ni Claire Castro kaya nakuha niya ang role bilang Cielo. Si Cielo ang nakababatang kapatid ni Maita at magiging hadlang sa pagmamahalan ng kanya ate at ni Alex.

6 of 20

Alan Paule

Mapagmahal na ama nina Maita at Cielo ang karakter na gagampanan ni Alan Paule--si Paeng--sa 'Nagbabagang Luha.'

advertisement
7 of 20

Archi Adamos

Isang pulis si Archi Adamos sa TV adaptation ng 'Nagbabagang Luha.' Levi ang pangalan ng karakter niya na tatay ni Bien at ninong ni Maita.

8 of 20

Myrtle Sarrosa

First major GMA project ng newbie Kapuso at sexy actress na si Myrtle Sarrosa ang 'Nagbabagang Luha.' Sa serye, bibigyang-buhay niya ang karakter ni Judy, family friend nina Alex at consultant ng Montaire Resort.

9 of 20

Royce Cabrera

Kung kinilig kayo kay Royce Cabrera sa BL series, papainitin naman ang mga hapon ninyo ng Kapuso hunk actor sa 'Nagbabagang Luha.' Gaganap siya bilang si Sherwin, isang big-time drug dealer na may gusto kay Cielo.

advertisement
10 of 20

Karenina Haniel

Bestfriend ni Cielo ang gagampanang role ni Karenina Haniel. Monica ang pangalan ng kanyang karakter sa serye.

11 of 20

Jaclyn Jose

Isa sa mga dapat abangan sa 'Nagbabagang Luha' ang special participation ng Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose bilang ina nina Maita at Cielo.

12 of 20

Photo op

Malugod namang winelcome nina Karenina, Glaiza, at Rayver ang award-winning actress na si Jaclyn sa set ng 'Nagbabagang Luha.'

advertisement
13 of 20

Ricky Davao

Habang naka-standby, nakipag-selfie sina Glaiza at Rayver sa direktor ng 'Nagbabagang Luha' na si Ricky Davao.

14 of 20

Fierce Maita

Sa larawang ito, makikitang in-character si Glaiza de Castro.

15 of 20

Nagbabagang Luha

Bumubuhos man ang luha pero palaban pa rin si Maita!

advertisement
16 of 20

Seductive Cielo

Sino ba naman ang hindi maaakit sa kaseksihan ni Claire?

17 of 20

Topless Royce

Patikim lang ito sa mga maiinit na eksena ni Royce Cabrera sa 'Nagbabagang Luha.'

18 of 20

Love team

Sweet na sweet sina Claire at Royce sa larawang ito habang naka-formal attire.

advertisement
19 of 20

Sisters

Magkaaway man sila on-cam, friends naman ang turingan nina Glaiza at Claire sa isa't isa off-cam.

20 of 20

Production

Narito ang group photo ng cast ng 'Nagbabagang Luha' kasama ang ilang miyembro ng production team na sina (mula kaliwa) Direk Ricky Davao, Program Manager Redgynn Alba, Executive Producer Winnie Hollis-Reyes, at Second Unit Director Phillip Lazaro.