TV

Claire Castro, sinabing 'nakaka-stress' ang kanyang role sa 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos

Unang break sa showbiz ng baguhang aktres na si Claire Castro ang GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha.

Naging parte ang anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva ng GMA Artist Center noong October 2018. Gaya ng karamihan sa mga baguhang artista, minor roles ang madalas makuha ni Claire noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

"It's hard to play my character kasi ang dami pong angry outburst pero ang dami ko rin pong natutunan.

"I started out playing 'yung mga best friend role ganyan tapos 'yung lines ko po mga tatlong piraso lang tapos 'yung mga eksena ko po three scenes a day.

"From that to like 22 scenes, nag-jump po talaga so sobrang laki pong learning experience 'yung pagganap na Cielo."

Isa na ngayon si Claire sa main stars na Nagbabagang Luha. Siya ang kontrabida sa teleserye na karibal ng karakter ni Glaiza De Castro (Maita) sa karakter ni Rayver Cruz (Alex).

Sutil at may pagkarebelde ang papel ni Claire sa serye na may pangalang Cielo kaya naman hindi na nakakagulat kung makatanggap siya ng hindi magagandang salita gaya ng "ipapakain sa buwaya."

Sa online exclusive video na ito ng GMA Network, relaxed na sinagot ng Kapuso actress ang mga mean comments na nakuha niya online dahil sa kanyang character sa Nagbabagang Luha.

Gets naman ni Claire kung bakit naglipana ang hate comments tungkol kay Cielo pero katwiran ng magandang aktres, "I agree kung kapatid ko po si Cielo, hinila ko po 'yung buhok niya, parang nightmare po siyang maging kapatid.

"Pero ang tinuro po samin sa workshop, kailangan intindihin namin 'yung character, saan siya nanggagaling, bakit siya ganoon. Marami po kasing layers 'yun e so kahit papano kailangan ko pong unawain kung saan siya nanggagaling kahit gano'n siya."

Wish ng isang commenter, walang mag-exist na tulad ni Cielo pero sa totoong buhay, ani Claire, may mga tao talagang baliw kung magmahal.

Bahagi pa niya, "May napapanood ako na true crime stories sa YouTube, unfortunately, may mga tao pong gano'n na sobrang intense magmahal 'yung tipong wala silang pakialam kung sino ang masasaktan nila basta makuha nila 'yung gusto nila.

"Pero mag-pray po tayo na hindi po tayo makakakila ng isang gano'n ever sa buong buhay natin kasi nakaka-stress po 'yun sobra."

Samantala, kilalanin pa si Claire sa gallery na ito: