TV

ABANGAN: Cielo, makakatikim ng sampal at masasakit na salita sa 'Nagbabagang Luha'

Sa pagtatapos ng huling ikatlong linggo ng Nagbabagang Luha, lalong magliliyab ang mga damdamin sa pinakamainit na kuwento tuwing hapon.

Ngayong Sabado, October 9, makakatikim ng mga masasakit na salita at sampal si Cielo dahil sa rebelasyong sisira sa dalaga.

Magkapatawaran pa kaya si Cielo at kapatid niyang si Maita?

At kaya pa bang tanggapin ni Maita si Alex matapos lumabas ang katotohanan?

Masasagot ang mga katanungang iyan sa nalalapit na pagtatapos ng Nagbabagang Luha, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaari itong balikan sa GMANetwork.com o GMA Network app.