TV

ABANGAN: Ang walang kasing-init na pagtatapos ng 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos

Sa pagtatapos ng Nagbabagang Luha, lalong magliliyab ang mga damdamin sa pinakamainit na kuwento tuwing hapon.

Ngayong Sabado, October 23, masusubok ang pagmamahal ni Maita (Glaiza De Castro) para sa kapatid na si Cielo (Claire Castro) hanggang sa dulo.

Kahit nasa bingit ng kamatayan, handa pa ring ialay ni Maita ang kanyang buhay para sa kapatid sa kabila ng mga ginawa nitong pagtataksil.

Makaligtas kaya si Maita mula sa panganib at magkaroon pa kaya siya ng pagkakataong mabawi ang mga inagaw sa kanya?

At ano ang kahihinatnan ng mga kasalanan ni Cielo sa kanyang ate at sa mga taong nakapaligid sa kanya?

Masasagot ang mga katanungang iyan sa finale ng Nagbabagang Luha mamayang 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaari itong balikan sa GMANetwork.com o GMA Network app.