TV

Kapatawaran at pagtanggap sa nakaraan, namayani sa finale ng 'Nagbabagang Luha'

Noong Sabado, October 22, napanood ang pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha na lalong nagpainit sa hapon ng mga manonood.

Sa huling episode ng serye, namayani ang kapatawaran sa pagitan ng magkapatid na sina Maita (Glaiza De Castro) at Cielo (Claire Castro) sa kabila ng mga nangyari.

Sumailalim si Cielo sa therapy matapos malamang may borderline personality disorder o emotionally unstable personality disorder.

Nagsimula ito noong bata pa siya dahil hindi siya naka-cope sa pag-alis ng nanay niyang si Mercy (Jaclyn Jose). Hindi kaagad na-diagnose si Cielo kaya lumala ito sa paglipas ng panahon kaya naging impulsive at intense ang kanyang mga emosyon, at hirap siyang kontrolin ang kanyang galit.

Sa paggaling ni Cielo, bumalik siya sa kanyang Ate Maita na buntis sa asawang si Alex (Rayver Cruz) na dati'y pinag-agawan ng kapatid.

Para sa dalawa, bagong simula ito ng kanilang buhay lalo na at muli nilang tinanggap ang isa't isa.

Panoorin ang buong episode sa video sa itaas o panoorin dito.

Pinagbidahan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz ang Nagbabagang Luha, kasama si Claire Castro.

Tampok din sa serye sina Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Karenina Haniel, at Ms. Gina Alajar. Napanood din sa Nagbabagang Luha ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose sa espesyal na pagganap.

Mula sa direksyon ni Ricky Davao, ang Nagbabagang Luha ay mula sa nobela ni Elena Patron na isinapelikula noong 1988 ng Regal Films.

Samantala, simula Lunes, October 25, mapapanood ang Las Hermanas na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Albert Martinez.

Narito ang kumpletong listahan ng cast ng bagong GMA afternoon drama: