TV

LOOK: EA Guzman celebrates 33rd birthday with 'Nakarehas Na Puso' family

By Aaron Brennt Eusebio

Bukod sa selebrasyon niya sa bahay kasama ang girlfriend na si Shaira Diaz at ang kanyang pamilya, may isa pang selebrasyon si EA Guzman sa kanyang ika-33 na kaarawan kasama naman ang kanyang co-stars sa Nakarehas Na Puso.

Nagpakain si EA sa set ng Nakarehas Na Puso, kung saan sinurpresa rin siya ng kanyang mga kasamahan ng isang cake.

Binati rin ni Michelle Aldana ang kanyang "guaping na anak" na si EA.

Sulat niya sa Instagram, "Before the day ends, I'd like to again wish our guaping na anak sa 'Nakarehas Na Puso' a very happy birthday."

"We are so proud of you EA. You are an amazing actor, professional and with a heart. Keep doing what you're doing. We love you. All the best for this new year of your life."

Patuloy na mapapanood si EA bilang si Miro sa GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. pagkatapos ng Unica Hija.

SAMANTALA, SA EDAD NA 33 AY HOT AT FIT PA RIN SI EA. TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWAN NIYA SA GALLERY NA ITO: