TV

Renz Valerio idol sina Derrick Monasterio and Jake Vargas

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Napakabilis talaga ng panahon dahil ang dating child star na si Renz Valerio ay binata na ngayon. Dahil 15 years old na siya, binibigyan na siya ng roles na akma sa kanyang edad.

Tulad na lang ng ginagampanan ngayon ni Renz sa Niño, ang role ni Rafael na isang teenager. Nagbibinata na ang character ni Rafael dahil nakakaramdam na siya ng pagka-gusto sa isang babae.

Ayon kay Renz, mixed emotions daw ang nararamdaman niya sa pagkakaroon ng mature role. Kung ikukumpara kasi sa dati niyang shows, lagi na lang kapatid na lalaki ang character niya.

“Exciting ang mature roles. Pero actually kinakabahan po ako, sa totoo lang kasi hindi pa po ako sanay. Umaalis na po ako sa comfort zone kaya medyo nakakapanibago,” pahayag ni Renz.

Pero ayon kay Renz, para sa kanya ay hindi pa siya mabibilang sa tinatawag na GMA Tweens. Paliwanag niya, “Hindi pa naman fully teens 'yung tingin, dahil medyo nasa awkward stage pa po ako.”

Hindi lang si Renz ang dumadaan sa ganitong situation dahil pati ang co-stars niyang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ay napasabak na rin sa teen roles dahil sa Niño. Ani Renz, nagtutulungan na lang daw silang tatlo para maka-adjust sa roles nila. “With the help of Bianca and Miguel, nakakalabas na ako doon sa stage na 'yon,” aniya.

Tinanong namin si Renz kung kaninong image sa GMA Tweens ang gusto niyang gayahin. “Siguro po para sa 'kin talaga [ay] si Derrick Monasterio and si Kuya Jake Vargas. Si Kuya Jake, very cool lang sa lahat, go with the flow lang. Si Kuya Derrick naman parang kahit maloko, sobrang cool niya,” sagot niya.