TV

Tatak 'Niño' ‘Yan!

By AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Tinututukan gabi-gabi ng milyun-milyong mga Kapuso ang adventures ni Niño at Tukayo. 
 
Ang family-friendly soap na ito na directed by the award-winning Maryo J. delos Reyes ay hindi lamang nagbibigay kasiyahan sa mga televiewers, ito rin ay kinapupulutan ng aral.
 
Kaya naman naisipan namin na hanapin ang mga ‘Good Samaritan’ stories na magpapaalala sa atin sa likas na kabutihan na taglay ng bawat isa.

Mga istorya na masasabi nating ‘Tatak Niño ‘Yan!’
 
Tatak Niño Story #1: Honest Taxi Driver
 
Idol ka namin Kuya Sotero Canonoy!
 
Noong March 2012, napaulat ang katangi-tangi ginawa ng taxi driver na si Sotero Canonoy. Sa tulong ng programang Aksyon Ora Mismo ng DZBB, sinubukan hanapin ni Canonoy ang tatlong German tourist na sumakay sa minamaneho niyang taxi na nakaiwan ng bag na naglalaman ng laptop, PSP, cellphone, relos, damit at gamot.
 
Mahirap man ang buhay, mas pinili ni Canonoy na hanapin ang may-ari ng bag at ipagbigay alam ang mga nawawalang gamit sa halip na pag-interasan ito. 
 
Pinuri ni Secretary of Tourism Ramon R. Jimenez Jr. ang taxi driver. Aniya, isang magandang halimbawa si Canonoy na sana ay pamarisan ng lahat at ang kanyang ginawa ay mag-iiwan ng magandang imahe sa mga banyagang turista na bumibisita sa ating bansa. 
 
“This is what we mean by tourism is everybody’s business. Each little good thing adds up to the fun picture of Philippine tourism. And as important as the first impression upon arrival are the good memories that a visitor brings with him until he departs. In this particular case, the DOT is pleased to note that the DZBB team perseveres in helping resolve this matter. We all are part of the tourism experience as we all are, likewise, beneficiaries. We all need to do our share of good, for tourism to make a dent in our economy and in our respective lives,” aniya.
 
Tatak Niño Story #2: Hero Kid ng Parañaque 
 
Itinuturo ng nanay ni Niño na si Leny na dapat mahalin niya ang kapwa tao at huwag mag-aatubili na tumulong sa mga taong nangangailangan.
 
Ito ang ipinamalas ng isang grade five student na si Rodelyn Molina ng F. Serrano Elementary School noong December 2011 nang buong tapang niyang iniligtas ang tatlong taong gulang niyang kaibigan na si Clyde Reflorida. 
 
Naglalaro ang dalawa kasama ang babaeng kapatid ni Clyde ng bumagsak ang isang light cargo plane sa Taiwan Street, Barangay Don Bosco, Parañaque City na nagdulot ng malaking sunog. 
 
Nagawang mailayo ni Molina si Clyde kahit nalapnos ang kanyang balat, subalit nakawala sa pagkakahawak ito at bumalik para iligtas ang kapatid. Sa kasawiang palad namatay ang magkapatid na Reflorida. Hindi naging hadlang kay Rodelyn ang murang edad at mas pinili nito na makapagligtas ng buhay kaysa walang gawin. 
 
Tunay na kahanga-hanga ka Rodelyn. Saludo kami sa‘yo! 

Tatak Niño Story #3: Mga bayani ng Typhoon Glenda  
 
Sa ulat ni Kapuso Jessica Soho sa State of the Nation, kanyang ibinahagi ang kahanga-hangang mga ordinaryong tao na nag-bayanihan noong kasagsagan ng Typhoon Glenda. Panoorin ninyo ang video na ito kung saan marami sa kanila ang naging Niño sa mga nasalanta ng bagyo. 
 


Tiyak na-inspire kayo sa mga kuwento na naibahagi namin. Kaya mga Kapuso laging tandaan na magmalasakit sa kapwa natin at tulad ng wonder boy natin na si Niño maging bukal sa ating mga puso ang tumulong sa kapwa.
 
Mga Niñoholics huwag kayong bibitiw sa panonood ng Niño pagkatapos ng 24 Oras.