TV

'Hindi kami prepared for the ending' - Angelu de Leon on Niño

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

“We know that it has an ending but we never thought of it. We got so used to be together na parang pamilya talaga. Noong sinabing uy matatapos na tayo, parang ay, nagte-taping lang pala tayo. Oo nga pala, show lang pala 'to,” pahayag ni Angelu de Leon sa nalalapit na pagtatapos ng Niño

Hindi raw maiwasang malungkot ni Angelu dahil napamahal na siya sa cast ng Niño. Aniya, “Masyadong kaming na-involved. Hindi lang sa character, even with the personal relationships we had sa set. So parang nakakagulat lang. Parang hindi kami prepared for the ending.”

Ayon kay Angelu, natutuwa raw siya sa itinakbo ng istorya ng Niño. “’Yung show itself, hindi siya puwedeng maging dark story bigla na lang, kasi it started as wholesome, fun, and may Niño. Pero ang galing on how they pieced it together,” saad ng aktres.

Ani Angelu, kahit siya ay hindi niya ine-expect ang magiging ending ng Niño. Malayong-malayo raw kasi ito sa usual endings ng mga teleserye.

“Ngayon, happy ako kasi kahit mag-e-end siya, it will end in a different way. Not how people would expect it. Kasi parang I know nga na people were expecting na gagaling si Niño,” anang aktres.

Dagdag niya, “Parang ang daming expectations ng mga tao na binali ng Niño na hindi 'yung normal na ine-expect nila na mangyayari.”

Sa huli, mas nangingibabaw pa rin daw ang saya ni Angelu dahil maganda ang kinalabasan ng Telebabad soap. Aniya, “Either may extension or wala, it was a good show and it had a good run.”