TV

WATCH: Sino-sino ang mga babae sa buhay ni Mayor Vico Sotto?

By Bianca Geli

Single man, ay maraming importanteng babae sa buhay si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Unang una ang kanyang ina, ang Kapuso actress na si Coney Reyes. Pinalaking madasalin at mabait ni Coney si Vico kaya kahit hindi man ito sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang sa pag-aartista, naging kahanga-hanga naman itong pulitiko.

Malapit din si Vico sa half-sister niyang si Carla Mumar. Magkaiba man sila ng ama ay lumaki silang katulad ng kanilang inang si Coney.

Naging malapit din si Vico sa kaniyang older half-sister na si Danica Sotto. Magkapatid sa ama sina Vico at Danica na parehas anak ni Bossing Vic Sotto.

Mayor Vico Sotto shows playful side at work

May nakababatang half-sister din si Vico sa ama--si Paulina Sotto. Isang visual artist si Paulina at supportive sina Danica at Vico rito.

'Pag dating naman sa love life, single man si Vico ay na-link na rin ito sa ilang high-profile na kababaihan tulad nina Kapuso star Maine Mendoza at TV host Gretchen Ho. Ano kaya ang totoong kuwento sa likod ng intriga?

Panoorin sa On the Spot:

MORE ON THE SPOT VIDEOS:

On The Spot: How celebrities spend their Metro Manila lockdown

On The Spot: Cancelled and Postponed Concerts, Shows, and Meet and Greets Due to the COVID-19 Scare

On The Spot: Singing competition alumni, where are they now?