TV

WATCH: Mikee Quintos at Kate Valdez, sasabak sa matinding drama kasama ang ilang bigating artista

By Jansen Ramos

Matapos mapabilang ni Mikee Quintos sa Encantadia, Sirkus at Sherlock Jr., sasabak naman siya sa heavy drama sa upcoming primetime series na Onanay.

Bigating mga aktor ang kanyang mga makakasama dito tulad na lamang ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. "I feel so lucky na isang Nora Aunor ang makakatrabaho ko," saad niya.

Magiging karibal ni Mikee sa serye ang kanyang half-sister na gagampanan ni Kate Valdez. Sa hit fantaseryeng Encantadia sila unang nagkasama. Ginampanan ni Mikee ang papel ni Lira at si Kate naman ay si Mira.

Ani Mikee, "It's something different for us. Makikita na siguro dito 'yung pag-aaway at tapatan namin ni Kate na mabait at masama."

Si Kate, naghahanda na raw sa kanyang karakter. Gusto niya raw humingi ng advice sa kanyang iniidolong si Glaiza De Castro. Bahagi niya, "She's a kontrabida kasi mararamdaman mo 'yung pagiging masungit niya. Gusto ko rin ma-overcome yung gan'un."

Ipinapakilala si Jo Berry, ang gaganap na nanay nina Mikee at Kate. Life-changing daw na mapabilang siya sa serye at nais niya raw gawing daan ito para maging inspirasyon sa mga taong may Achondroplasia tulad niya.

"Hindi lang 'yung buhay ko 'yung mababago kundi lahat din ng buhay ng mga differently abled people na makakapanood. Gustung-gusto ko po na ma-inspire ko po sila."

Kabilang din sa cast sina Cherie Gil, Gardo Versoza, Adrian Alandy, Vaness Del Moral, Rochelle Pangilinan, Enrico Cuenca at  Wendell Ramos. 

Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras: