TV

READ: Jo Berry, hindi inakala na makakatrabaho niya ang ilang bigating artista

By Jansen Ramos

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Jo Berry na nakakatrabaho niya ang ilang bigating artista gaya nina Nora Aunor, Cherie Gil at Gina Alajar para sa upcoming primetime series na Onanay.

Bahagi niya sa Instagram, "Hindi ko talaga na-imagine noon na darating ang pagkakataon na makakatrabaho ko sila tapos ngayon, ito na! Paggising ko sa umaga, kinukurut-kurot ko pa rin 'yung sarili ko para sure na hindi ako nanaginip!"

Ito pa lang ang ikalawang beses na mapapanood si Jo Berry sa telebisyon kaya excited na siyang gumanap bilang bida sa bagong serye.