TV

Onanay: Kate Valdez, napipilitan lang makisama kay Mikee Quintos?

By Jansen Ramos

Dahil wala nang ibang matutuluyan si Natalie (Kate Valdez), napilitan siyang manirahan pansamantala sa bahay nila Onay (Jo Berry).

Ikinagulat ni Maila (Mikee Quintos) ang desisyong ginawa ni Natalie dahil nagkaroon sila ng alitan. Pilit niyang iintindihin ang sitwasyon nito para hindi sumama ang loob ng kanyang ina.

Magkaayos na kaya sila o lalo pang titindi ang kanilang pag-aaway? Alamin sa September 25 episode ng Onanay.