TV

Natalie's pool scene in 'Onanay' reaches 1M views on YouTube

By Jansen Ramos

Umabot na sa mahigit one million views sa YouTube ang December 28, 2018 episode highlight ng Onanay, kung saan itinulak sa pool si Natalie (Kate Valdez) ng isang bisita habang nasa birthday party.

Kate Valdez

Hindi rin ito nawala sa Philippine trending list ng video-sharing site simula noong nakaraang linggo.

Pagkakahulog ni Natalie sa pool sa 'Onanay,' trending sa YouTube

Bukod kasi sa matinding eksena, marami rin ang na-curious sa bagong karakter na napapanood sa GMA drama series kaya marami ang sumubaybay sa nasabing episode.


Marami ang namangha sa mala-anghel na ganda ng Kapuso talent na si Angel Guardian na gumaganap sa papel ni Chelsea.


Sabi ng ilang netizens, may pagkakahawig daw ang 20-year-old actress kay Mikee Quintos, na gumaganap sa karakter ni Maila.

Samantala, may dalawa pang episodic highlight videos ng Onanay ang nakakuha ng million views sa YouTube noong nakaraang Disyembre.

May mahigit two million views na ang highlight video mula sa 100th episode (December 21) ng top-rating primetime series na pinamagatang "Mother and daughter's revenge."

Nag-trend din ito sa YouTube noong nakaraang linggo.


May mahigit 1.5 million views naman ang December 20, 2018 episode highlight ng Onanay kung saan tampok ang simula ng paniningil nina Maila at Onay (Jo Berry) sa mga nang-api sa kanila.


Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Onanay, gabi-gabi pagkatapos ng Cain at Abel sa GMA Telebabad.