TV

Netizens moved by Cherie Gil, Jo Berry and Kate Valdez's performance in 'Onanay'

By Jansen Ramos

Bumuhos ang emosyon sa episode ng hit GMA primetime series na Onanay kagabi, January 15.

Jo Berry, Cherie Gil and Kate Valdez

Sa nakaraang episode, hindi nagtagumpay sina Helena (Cherie Gil) at Natalie (Kate Valdez) sa kanilang pagtakas dahil sa takot ng dalaga sa dagat.

Nadakip din ng mga pulis si Helena matapos ang maaksyong pakikipagtaguan at doon nagsimula ang madamdaming paghihiwalay nila ni Natalie.

Pilit na inintindi ni Onay (Jo Berry) ang kaniyang anak at umaasa pa rin na tatanggapin siya nito.


Samu't saring reaksiyon ang nakuha ng naturang episode ng Onanay online at nag-trend pa sa Twitter kagabi.


Ang ilang netizens, nakisimpatiya kay Helena matapos mawalay sa taong pinalaki at minahal niya.


Naawa naman ang ilang tagasubaybay ng serye kay Onay.


Samatala, pare-pareho naman ang komento ng netizens patungkol sa pagganap nina Cherie, Jo, at Kate.