TV

Wendell Ramos and Jo Berry ask fans to follow LuNay love team in 'Onanay'

By Jansen Ramos

Patuloy ang suporta ng televiewers sa umuusbong na love team sa hit GMA primetime series na Onanay.

Wendell Ramos and Jo Berry

Hindi mapigilang kiligin ang fans ng serye kina Lucas at Onay na ginagampanan nina Wendell Ramos at Jo Berry. 'LuNay' kung tawagin ng netizens ang kanilang love team.

Sa Instagram video na ipinost ng Kapuso hunk, nagpasalamat sila ni Jo sa mga sumusubaybay sa Onanay at humiling na suportahan ang kanilang love team.

Ika ni Wendell, "Sa lahat po ng nanonood at sumusuporta sa Onanay, maraming-maraming salamat po at abangan n'yo po 'yung aming love team."

Dugtong ni Jo, "Marami pong revelation, abangan n'yo po 'yan!"

Huwag palampasin ang Onanay, gabi-gabi pagkatapos ng Cain at Abel sa GMA Telebabad.

Gamitin din ang aming official daily hashtag para ipakita ang inyong suporta.