TV

Jo Berry hailed as Most Promising Female Star for TV at Box Office Award

By Jansen Ramos

Nakamit ni Onanay star Jo Berry ang kaniyang unang award bilang aktres.

Jo Berry

Kinilala ng 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) si Jo bilang Most Promising Female Star For Television.

Kapuso shows and personalities, big winners sa 50th Box Office Entertainment Awards

Ayon sa kaniyang Instagram post, dahil daw ito sa "pagmamahal" ng mga manonood kaya niya nasungkit ang parangal.

Kinuha rin niya ang oportunidad na ito para magpasalamat sa mga nagtiwala at sumuporta sa kaniya.

"Maraming salamat po sa bumubuo ng 50th Box Office Entertainment Awards sa GMA na nagbigay sa akin ng oportunidad, sa pamilya at mga kaibigan ko na laging nakasuporta, sa Onanay fam at sa lahat po ng buong pusong tumanggap kay Onay. Mahal ko po kayo," sulat ni Jo sa kaniyang post.


Gaganapin ang awards night sa March 24 (Sunday) sa Star Theater, CCP Complex, Pasay City.