TV

WATCH: Dante's heartbreaking death marks Gardo Versoza's exit from 'Onanay'

By Jansen Ramos

Bumuhos ang emosyon sa episode kagabi, February 18, ng Onanay matapos mamatay si Dante.

Gardo Versoza


Ito na ang huling appearance ng beteranong aktor na si Gardo Versoza na siyang nagbigay-buhay sa nasabing karakter sa hit Kapuso drama series na pitong buwan nang napapanood sa telebisyon gabi-gabi.

Sa pagtatapos ng kaniyang stint, idinaan ni Gardo sa isang Instagram post ang kaniyang pasasalamat.

Sulat niya, "maraming salamat po PANGINOON sa paggabay nyo po sa aking pagganap sa katauhan ni DANTE."

Dugtong pa niya, "salamat po cupcakes sa lahat ng nagmahal kay lolo dante ,, mamimiss ko ang kakulitan ng karakter nya."


Pinuri naman ng ka-eksena ng 49-year-old actor na si Cherie Gil ang kaniyang "undying professionalism and commitment" sa primetime series.


Panoorin ang huling pagganap ni Gardo bilang Dante sa Onanay:


'Onanay,' patuloy na namamayagpag sa TV ratings