TV

Aljur Abrenica, matagal na gustong makatrabaho si Janine Gutierrez

By BEA RODRIGUEZ

 

 

Photo by: BOCHIC ESTRADA, GMANetwork Inc.

Nagsimula sa isang love triangle ang tambalan nina Kapuso stars Janine Gutierrez at Aljur Abrenica sa Dangwa pero masusundan ito ng romantic drama series na Once Again sa GMA Telebabad.

READ: Janine Gutierrez and Aljur Abrenica, reunited for new primetime series 

Kahit nakasama na nila ang isa’t isa, very happy at excited pa rin ang aktor. Aniya, “Ever since nakita ko [siya] sa TV and [nakilala yung mom niya, si]  Ms. Lotlot de Leon, pinangarap ko na makatrabaho siya. Sa Dangwa pa lang [ay] masaya na ako [so] plus na lang na primetime siya."

Iniisa-isa ni Aljur ang mga nagugustuhan niyang katangian ng aktres bilang katrabaho, "She's professional, responsible, [attractive and independent]. She's [also] very sweet, cooperative, [and] has this energy na nahahawa kami [which is] to inspire other people na pagbutihin pa 'yung trabaho."

Masaya rin si Janine na tuluyang magiging leading man na niya ang versatile actor. Kuwento ng mestiza beauty sa panayam ng GMANetwork.com, "Exciting kasi hindi ko inakala na magkakatrabaho ulit kami. I consider this parang our first team up talaga kasi talagang drama siya and teleserye.”

READ: Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, excited makatrabho muli ang isa’t isa sa bagong teleserye 

“Very hardworking” at “magaan katrabaho” naman ang paglarawan ng dalaga sa kanyang leading man-to-be, “Kasi very maalaga and siyempre mas matagal niya na rin ginagawa 'to so madami rin akong natututunan sa kanya."

Pangatlong soap opera na ito ni Janine ngunit nakakaramdaman pa rin siya ng pressure dahil sa time slot at mga makakatrabaho nito tulad nina Jean Garcia, Chandra Romero, Sheryl Cruz, Joko Diaz, Christopher de Leon, Thea Tolentino, Jeric Gonzales at iba pang bigating artista.

IN PHOTOS: The cast of the Aljur Abrenica & Janine Gutierrez-starrer, ‘Once Again’ 

Tampok sina Janine at Aljur bilang mag-boyfriend at girlfriend sa istorya. Kuwento ng aktres, “Mamamatay sila tapos ma-reincarnate sila [at] kailangan nilang maghanapan ulit. Ako si Reign, 'yung babae na parang mahal na mahal ko si Edgar na kahit mawalay kami ng landas, maghahanapan kami in another life.”