TV

Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, naniniwala nga ba sa reincarnation?

By BEA RODRIGUEZ

 

Matutunghayan na mamaya ang pinakabagong GMA Telebabad soap na Once Again na pangungunahan nina Kapuso stars Janine Gutierrez at Aljur Abrenica  na idinirehe ni Don Michael Perez.

Mauuwi ang bawal na pag-iibigan nina Reign at Edgar sa isang aksidente na kanilang ikakamatay ngunit muli silang mabubuhay sa kasalukuyan upang pagtagpuin ng tadhana bilang sina Des at Aldrin.

“It’s a reincarnation love story. During the 90’s, siguro 1992 kami accidentally namatay pagkatapos [mabubuhay] ulit up to [the] present time,” kuwento ni Aljur sa Unang Hirit .

Kahit labindalawang taon na ang nakakalipas, makakadaupang palad pa rin nila ang ibang tauhan noong unang panahon. Ayon kay Janine, “Meron characters na nakasama pa namin from the past life namin na buhay pa rin hanggang ngayon. So ‘yung kontrabida, may possibility na makita niya ulit kami tapos maghasik ulit siya ng lagim sa present.”

Sa kasalukuyan, may mga panaginip sila tungkol sa nakaraan at ito ay ang magdadala sa kanila sa isa’t isa. Dagdag ng hunk actor, “Ang interesting pa diyan kasi may iso-solve kaming mysteries, siyempre past lovers. There’s a chance pa na maso-solve namin ang nangyari noon at mabigyan ng justice ‘yung [pagkamatay namin].”

Naitanong ng hosts na sina Lyn Ching at Suzi Abrera kung naniniwala sila sa konsepto ng kwento. Para sa mestiza beauty, “I think it’s a possibility [at] may probability. ‘Di ba madaming naniniwala diyan, lalo na sa ibang countries [at] ibang religions. Tingnan natin kung merong ganun.”

Panay naman ang research ng Kapuso leading man nang matanggap niya ang role, “Ako naku-curious ako simula noong ibinigay ang project na ito. Hindi na tumigil ‘yung research ko about reincarnation.”

Panuorin ang full trailer ng Once Again dito:

 

 

MORE ON ONCE AGAIN:

Aljur Abrenica, nagpapasalamat sa pagkakataon na muling nabigyan ng Telebabad show

Behind the Scenes of 'Once Again'