TV

#OnceAgain, nag-trend ang pilot episode dahil sa tambalang Aljur Abrenica at Janine Gutierrez

By ANICA SAMODIO

 


Pinag-usapan ang ganda ng story at husay nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica sa pilot episode ng Once Again sa GMA Telebabad kagabi (May 2). Kinilig ang mga netizens sa tambalang Reign at Edgar kung kaya’t naging trending ito sa Twitter.



Ikinatuwa din ng karamihan ang pagbalik ni Aljur Abrenica sa primetime slot at pinuri naman si Janine Gutierrez sa kanyang galing sa pag-arte.

 

 

 

 

 

 

 

 


Nagpasalamat naman ang dalawa sa magandang komentaryo ng mga netizens at humiling na ipagpatuloy pa ang pagtangkilik ng Once Again sa GMA Telebabad.

Ani Aljur, “Maraming salamat po sa pagmamahal at mga komento ninyo.. from #OnceAgain family ibibigay po namin ang lahat para sa mas magandang palabas.”

“Thank you thank yooou for watching and trending #OnceAgain! Sana gabi-gabi niyo kaming samahan,” naman ang sabi ng kanyang leading lady na si Janine.

 

 

 

 

 

 

 

MORE ON ALJUR AND JANINE: 

READ: Janine Gutierrez at Aljur Abrenica naniniwala nga ba sa reincarnation

 

READ: Janine Gutierrez at Aljur Abrenica excited makatrabaho muli ang isa't isa sa bagong teleserye