Nagbabalik sa TV ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan kasama ang isang star-studded cast para sa 'One of the Baes', istorya ng isang dalaga na puno ng pangarap at isang binata na hinahanap ang kaniyang prinsesa. Kilalanin ang cast ng 'One of the Baes!'
Kung minahal niyo si Ken Chan bilang Boyet sa 'My Special Tatay,' mamahalin niyo rin siya bilang Grant, ang mayaman pero mapagmahal na environmental vlogger na pangarap mahanap ang kaniyang princesa o dream girl.
Ibang klaseng Rita Daniela ang mapapanood niyo sa 'One of the Baes' kung saan gaganap siya bilang si Jowalyn, ang dalaga na nabubuhay para sa pangarap niyang maging isang seafarer.
The RitKen kilig lives on!
Kilalanin si Jowalyn, maganda, masipag, at palaban.
Sosyalin man si Grant, may malasakit din siya sa kalikasan, at naniniwala na mahahanap niya rin ang kaniyang dream girl.
Nakilala ni Rita ang ilang Filipina seafarers para sa paghahanda sa kaniyang role.
Nagbabalik comedy si Roderick Paulate bilang si Pops, ang tatayong ama ni Jowalyn.
Matapos niyo siya mahalin sa 'Dragon Lady,' mapapanood niyo muli si Edgar Allan Guzman bilang si Charles, ang nakatatandang kapatid ni Grant.
Mean girl BFF ni Xtina ang role ni Jelai Andres, full force ba sila sa pang-aapi kay Jowalyn?
Mapapanood si 'That's My Bae' graduate Kenneth Medrano bilang si Gary, isa sa mga BFFs ni Jowalyn.
Kilalanin si Archie Alemania bilang si Chard, ang clown ng barkada ni Jowalyn.
Si James Teng ang gaganap bilang Bobi, ang cutie bae-next-door ng barkada ni Jowalyn.
Isang makulit at patawa ang karakter ni Buboy Villar bilang Okoy, ang sidekick ni Grant.
Magiging ama ni Grant ang karakter ni Jestoni Alarcon na si Steve.
Si Maureen Larrazabal ang gaganap na Carmin, ang ex ni Pops na hindi pa nakaka-move on sa kaniya.
Mapapanood si Tonton Gutierrez bilang Waldo, na tatayo rin bilang ama ni Jowalyn.
Handog ng GMA News and Public Affairs ang drama na magpapakilig, magpapatawa, at magpapaantig ng inyong mga puso--ang 'One of the Baes'.
Abangan ang 'One of the Baes,' ngayong September na sa GMA Primetime!