TV

WATCH: Rita Daniela at Ken Chan, muling magtatambal sa bagong rom-com series na 'One of the Baes'

By Cara Emmeline Garcia

Excited na ang Kapuso actors na sina Ken Chan at Rita Daniela para sa kanilang upcoming romantic-comedy serye na One of the Baes.

Gaganap si Rita bilang ang palaban na aspiring seafarer na si Jowalyn, habang si Ken ay isang environmental vlogger na si Grant.

Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng dalawang aktor ang kanilang karakter sa upcoming GMA series.

Ani Rita, “Si Jowa ay mas pinipili niya ang pangarap kaysa sa pag-ibig and she's really a career and goal-driven person.

“At saka malaki yung pangarap niya sa pamilya niya kaya gagawin niya ang lahat.”

Sambit ni Ken, “Ako naman 'yung character ko as Grant mas pipiliin ko yung pag-ibig kaysa sa pangarap at kahit anong mangyari hahanap at hahanapin niya yung prinsesa na para sa kanya at yun ay si Jowa.”

Abangan ang tambalang RitKen sa kanilang first-ever GMA primetime drama, ang One of the Baes, malapit na!

Panoorin ang buong ulat:


Rita Daniela at ken Chan, kinakabahan sa bagong roles para sa 'One of the Baes'

Amy Austria, Tonton Rodriguez, at Roderick Paulate, mapapanood sa 'One of the Baes'