TV

EXCLUSIVE: Rita Daniela at Ken Chan, kabado sa ibang eksena ng 'One of the Baes'

By Bianca Geli

Papalapit na ang airing ng upcoming GMA Telebabad show na One of the Baes. Kaya naman todo paghahanda ng lead stars na sina Rita Daniela at Ken Chan sa mga eksena nila.

Rita Daniela at Ken Chan

Aminado ang RitKen na may kaba sila pareho para sa ilang ma-aksyon na mga eksena.

Mapapanood si Rita bilang ang marine student na si Jowa at si Ken bilang ang environmental vlogger na si Grant.

Kuwento ni Ken, naghahanda na siya para sa isang freediving scene niya. “Grabe, kasi tatalon ako tapos mag-dive ako kasi ang eksena may kailangan akong kunin na dinamita sa ilalim ng dagat pero pag talon ko ipapakita namin kasi 'yung ganda ng dagat, mga coral reefs, iba't-ibang isda.”

Dagdag niya, “May mga kasama naman po kaming divers. Ang goal sa eksena na ito, maipakita 'yung ganda ng dagat habang lumalangoy. Medyo kinakabahan ako kasi first time kong mag-free diving ng walang apparatus.”

Si Rita naman, napasabak sa field traning tulad ng isang tunay na marine student kasama ang co-stars na sina Joyce Ching at Jelai Andres.

Kuwento ni Rita, “Mahirap kasi first time and nag-shoot kami ng kalahating araw from 6am to 5:30pm. Na-konsumo namin lahat ng init ng araw habang ginagawa namin lahat ng training, lahat ng drills, push-ups, sit-ups, lahat ng training ng marine students. Nahirapan din kami.

“Natutunan namin mag-formation with the rifle, paano 'yung tamang paghawak ng rifle. It was fun even though it was hard... pahirapan lang talaga. 'Yung init 'yung kalaban mo talaga.”

Ani ni Rita, siguradong marami pa raw silang mga eksenang nasa marine training. “For sure, marami pa kaming ganoon. Meron at meron kaming mga kukunan na scenes na nagdi-drills kami sa field, dala namin 'yung rifles.”

Kahit pa puspusan na sa taping, mabilis daw naging close ang One of the Baes family sa set. “Masaya kami sa taping, nahihirapan lang kami kasi ang dami naming take kasi tawa lang kami ng tawa. Lahat kami pati 'yung mga baes, sila Kuya Archie, naging parang pamilya na kami, tumawa lang 'yung isa nahahawaan lahat kasi sobrang close talaga.”

GMA Network offers all-new primetime line-up this September

Rita Daniela at Ken Chan, nag-training kasama ng maritime students

Rita Daniela at Ken Chan takes "Not My Arms Challenge" in 'TWAC'