
Nakakamangha ang goal ng Eat Bulaga mainstay at "That's My Bae" grand winner na si Kenneth Earl Medrano nang tanungin tungkol sa pagiging sikat na celebrity.
Kahit naging bida na sa morning soap na Trops at nakasama sa afternoon show na Buena Familia, hindi raw naghahangad na sobrang kasikatan ng guwapong binate.
Sa halip, mas gusto raw ni Kenneth na tumagal sa industriya.
“Hindi ko po gusto sumikat, gusto ko lang po tumagal,” sabi ng Eat Bulaga heartthrob.
“I love my job kasi dream ko po ito, e.
“Kahit hindi po ako ganun kasikat katulad ni Alden Richards, basta tuluy-tuloy lang ako na nandito sa industry ganito.”
Nakausap ng GMANetwork.com sa sidelines ng All-New September Primetime event ng GMA Social Media Team sa the Premiere Theater sa Shangri-la Plaza, Mandaluyong City kagabi, September 10.
'One of the Baes' cast, na-challenge sa pag-shoot ng launch plug
Samantala, nang mapag-usapan ang Eat Bulaga, taos-puso ang pasasalamat ni Kenneth sa longest-running noontime show dahil sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanya at kapwa niya "That's My Bae" finalists.
Wika niya, “Sobrang laki po ng tulong ng Eat Bulaga actually sa amin, hindi lang po sa akin kundi sa aking mga ka-grupo ko [That's My Bae], everyday po kami napapanood.”
“Alam naman po nila na ginawa po namin 'yung best namin para makatulong din po kami sa Eat Bulaga and siyempre tumutulong din po 'yung Bulaga sa amin.”
Samahan si Kenneth Earl Medrano na magpapakilig sa inyo gabi-gabi sa One of the Baes sa GMA Telebabad.