GMA Logo Open 24 7 sitcom
What's on TV

Netizens at fans, inaabangan na ang "pagbubukas" ng 'Open 24/7!'

By Aedrianne Acar
Published May 19, 2023 2:08 PM PHT
Updated May 19, 2023 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Open 24 7 sitcom


Add to cart na tawanan! Yan ang naghihintay sa inyo sa grand premiere ng 'Open 24/7' sa darating na May 27 sa 'Sabado Star Power sa Gabi' ng GMA.

One week to go at mapapanood na natin ang much-awaited sitcom na pagsasamahan nina Jose Manalo, Maja Salvador, at Vic Sotto!

Sa darating na May 27, makikilala na natin ang mga karakter na magbibigay kulay sa Open 24/7 convenience store tulad ni Boss EZ (Vic Sotto) at ang kapatid niyang si Spark (Jose Manalo).

Ano rin kaya ang magiging papel ng kikay girl na si Mikaela (Maja Salvador) sa buhay ng dalawa?

Naglabas naman ng teaser ngayong linggo ang GMA Network at M-Zet Productions ng mga ilan sa aabangan eksena sa bagong comedy show na parte ng mas pinalakas na line up ng GMA Sabado Star Power sa Gabi.

@gmanetwork Grand opening na ng pinakabagong comedy trio tuwing Sabado! Add to cart na natin ang unli-fun na #Open247 ♬ original sound - GMA Network

Ramdam na din ang excitement ng viewers at fans para sa sitcom kung saan bibida ang ilan sa Sparkle artists tulad nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Bibida rin sa Open 24/7 sina Riel Lomadilla, Anjay Anson, Abed Green, Kimson Tan, at Bruce Roeland.

Kaya sa May 27, umuwi nang maaga at mag-bonding with the whole family sa panonood ng pilot episode ng Open 24/7, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

SNEAK PEEK AT THE PICTORIAL AND LOOK TEST OF 'OPEN 24/7':