TV

Cast ng 'Open 24/7,' excited na para sa kanilang grand opening mamayang gabi

By Aedrianne Acar

Ilang oras na lang at mapapanood n'yo na ang unli-kilig at comedy na hatid ng bagong sitcom ng GMA-7 na Open 24/7.

Sa pangunguna nina Jose Manalo, Maja Salvador, at Bossing Vic Sotto, tiyak mapapa-add to cart kayo sa umaatikabong tawanan hatid ng stellar trio.

Ang binansagang Majestic Superstar na si Maja ay excited na maipakilala ang bagong karakter niya bilang si Mikaela sa mga viewers.

A post shared by MAJA (@maja)

Sagot naman ng Sparkle Sweethearts na sina Allen Ansay at Sofia Pablo ang romantic moments sa Open 24/7 bilang AL at Kitty.

Bibida rin sa Kapuso comedy program sina Riel Lomadilla, Anjay Anson, at Sparkle hunks na sina Abed Green, Kimson Tan, at Bruce Roeland.

Tunghayan ang mas level up na Saturday night sa grand premiere ng Open 24/7, ngayong gabi na pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

CHECK OUT THESE MOMENTS CAUGHT ON CAM DURING THE OPEN 24/7 MEDIA CONFERENCE: