
Kokoy is now 24!
Makikita ang labis na saya ng resident chinito heartthrob ng Open 24/7 na si Kimson Tan nang sorpresahin ng mga staff ng sitcom sa kanilang mismong taping.
Sa Instagram Story ng Sparkle actor, ipinakita niya na may regalo ang show na birthday cake sa kaniya.
Sabi ni Kimson sa caption ng video, “Thank you Open 24/7 family for the surprise.”
Nakatanggap din ng birthday greetings si Kimson sa mga kapwa niya talents sa Sparkle GMA Artist Center tulad nina Rufa Mae Quinto, Klea Pineda, at Nikki Co.
Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ni Kimson sa mga tao na sinamahan siya sa isang intimate party sa isang yacht na ipinost niya sa Instagram noong Lunes, November 20.
Makikita na ilan sa dumalo ay sina GMA Network's First Vice President for Program Management Jose Mari R. Abacan, Anjay Anson, Will Ashley, at Riel Lomadilla.
Bukod sa Open 24/7, napapanood din si Kimson sa primetime series na pinagbibidahan ng A-list actress na si Claudine Barretto na Lovers/Liars.
TRIVIA ABOUT CHINITO HOTTIE KIMSON TAN: