Open 24/7: Boss EZ at Spark, mabibiktima ng scammers!

GMA Logo Boss EZ at Spark

Photo Inside Page


Photos

Boss EZ at Spark



Mag-ingat sa mga pera n'yo at talamak ang mga scam!

Ito ang matutunan nang magkapatid na sina Boss EZ (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) sa upcoming episode ng Open 24/7 ngayong June 17.

Matapos ang successful online campaign nila ni Shaira (Shaira Diaz), mae-enganyo si Boss EZ bumili online at maghanap ng noodle supplier.

Samantala, may dalawang kaduda-dudang bisita sa Open 24/7 convenience store, kung saan maninikil ang mga ito ng pera kay Spark, dahil illegal daw ang operasyon nito!

Maging successful kaya ang online shopping ni EZ? Dapat bang paniwalaan ng tatay ni Kitty (Sofia Pablo) ang diumano'y barangay official na dumating sa kanilang convenience store?

Tutukan ang unli-good vibes na hatid ng cast ng Open 24/7 this weekend at makakasama pa nila bilang special guest sina Rochelle Pangilinan at Gerhard Acao!

Heto ang pasilip sa exciting episode ng sitcom, ngayong June 17 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).


 Boss EZ
 Convenience store
Rochelle Pangilinan
Mike
Guests
Open 24/7

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit