Open 24/7: Juana, magugustuhan si Mike!

Sasakit ang ulo nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) nang may babaeng customer na mag-eeskandalo sa kanilang convenience store.
Sa next episode ng Open 24/7 ngayong July 29, magugulat ang lahat sa 24/7 convenience store ng magtangkang magpakamatay si Juana (Kakai Bautista), matapos bumili ng muriatic acid.
Mabuti na lang napigilan siya ng magkapatid. Matapos ang kaguluhan, tila mala-love at first sight si Juana nang makita niya si Mike (Maja Salvador).
Ano ang mangyayari kung ipilit ng customer na mag-date sila ni Mike?
Mahuli kaya ang ating bida na isa siyang babae na nagpapanggap lang na lalaki?
Panoorin ang all-new episode ng Open 24/7, ngayong July 29, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:30 pm.
Kung sakaling may pinagdaraanan kayong mental health problem mga Kapuso, puwedeng tawagan ang mga numero ng National Center for Mental Health.
[NCMH Crisis Hotlines: Luzon-wide Toll Free: 1553/ Cellphone Lines: 0917-899-8727, 0966-351-4518; 0908-639-2672 ]





