Sasakit ang ulo nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) nang may babaeng customer na mag-eeskandalo sa kanilang convenience store.
Sa next episode ng Open 24/7 ngayong July 29, magugulat ang lahat sa 24/7 convenience store ng magtangkang magpakamatay si Juana (Kakai Bautista), matapos bumili ng muriatic acid.
Mabuti na lang napigilan siya ng magkapatid. Matapos ang kaguluhan, tila mala-love at first sight si Juana nang makita niya si Mike (Maja Salvador).
Ano ang mangyayari kung ipilit ng customer na mag-date sila ni Mike?
Mahuli kaya ang ating bida na isa siyang babae na nagpapanggap lang na lalaki?
Panoorin ang all-new episode ng Open 24/7, ngayong July 29, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:30 pm.
Kung sakaling may pinagdaraanan kayong mental health problem mga Kapuso, puwedeng tawagan ang mga numero ng National Center for Mental Health.
[NCMH Crisis Hotlines: Luzon-wide Toll Free: 1553/ Cellphone Lines: 0917-899-8727, 0966-351-4518; 0908-639-2672 ]
Mukhang may matinding pinagdaraanan ang customer nila Kitty (Sofia Pablo) sa convenience store.
Teka lang! Pipigilan nina Boss E.Z. at Spark ang gagawin ng customer na ang pangalan ay Juana.
Matapos ang kaguluhan, magbabago ang ihip ng hangin at 'tila magkakagusto si Juana kay Mike.
May patunguhan kaya ang date nila Mike at Juana?
Bakit may kissing booth si Doe [Bruce Roeland]? Alamin ngayong Sabado ng gabi, mga Kapuso.
Bibista si Kakai Bautista sa 'Open 24/7' sa darating na July 29 sa Sabado Star Power sa gabi.