May blooming yata na new relationship sa Open 24/7, pero ang catch, hindi sila AL (Allen Ansay) at Kitty (Sofia Pablo)?
Darating ang childhood best friend ni Doe (Bruce Roeland) na si Hiro (Carlo San Juan).
Sobrang close ng dalawang hunky guy, to the point na pinagdudahan ni Fred (Abed Green) si Hiro na may gusto ito kay Doe.
Tama kaya ang hinala ng mga “orb” ni Doe tungkol sa kababata niya?
Samantala, problemado si Mikaela dahil napapansin nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) na tila out of touch na si Mike.
Kabado tuloy si Mikaela na baka mabuko na ang kaniyang sikreto!
Ano kaya ang maiisip na plano ni Mikaela para di mabulilyaso ang kaniyang tinatagong identity?
Makikisaya sa episode this weekend ang Sparkle hunk na si Carlo San Juan!
FUN FACTS ABOUT CARLO SAN JUAN:
Heto pa ang mga best moments na aabangan n'yo sa Open 24/7, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong December 2.
Bibisita sa Open 24/7 convenience store ang kababata ni Doe na si Hiro!
Pero may hinala ang mga kasama ni Doe sa convenience store na baka may lihim na pagtingin si Hiro. Ano kaya ang gagawin ng ating “orb"?
Aba, makikita nina Kokoy, Fred, at AL na magkasama ang mag-BFF sa isang dinner. Mukhang may plano na ang magbabarkada!
Sasakit ang ulo ni Mikaela, dahil hinahanap nina Boss E.Z. at Spark ang kaniyang alter ego na si Mike. Will her secret be revealed sa buong convenience store?
Stress si Pretty Mikaela this Saturday night!
Is Hiro in love with Doe? Alamin mga “orb” sa all-new episode ng Open 24/7 sa oras na 9:15 p.m. sa Sabado ng gabi.