Exciting ang darating na Sabado para sa pamilya nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo), dahil si Kitty (Sofia Pablo) malapit na ang graduation.
Pero, mukhang magkakaroon ng problema ang dalaga sa pag-complete ng kaniyang requirements.
Ang hindi alam ni Spark, ang guro ni Kitty na si Mr. Manlabo (Jayson Gainza) ay ang dating kaklase niya na binu-bully niya noon!
Si Kitty ba ang sasalo ng bigat ng paghihiganti ni Mr. Manlabo laban sa kaniyang ama?
Maka-graduate pa kaya ang dalaga o maayos ni Spark ang gusot nila ng kanyang former classmate?
Heto ang pasilip sa kulit episode ng Open 24/7 ngayong Sabado ng gabi, February 3.
Si Miss Kitty, malapit na ang graduation. Kaya there is more reason to celebrate sa 'Open 24/7' convenience store!
Oops! Mukhang magkakaroon ng problema sa school requirements ang anak ni Spark bago maka-graduate. Ano kaya ito na sasabihin ni Mr. Manlabo?
The past haunts Spark! Ang dati niyang binu-bully na si Mr. Manlabo, teacher ng anak.
Abangan ang pagbisita ng Sparkle comedian na si Jayson Gainza sa 'Open 24/7' this Saturday night.
May task si Boss E.Z. sa boys tungkol sa pagre-recycle. Magawa kaya ito ng ating mga “orb?”
Sagot na namin ang pampa-good vibes n'yo sa 'Open 24/7' sa darating na Sabado, February 3 sa oras na 9:30 p.m.